Bebot, natagpuang may saksak sa dibdib sa MRT

ISANG hindi pa nakilalang babae na may saksak ang natagpuan ng nagrorondang guwardiya sa hagdan ng Boni Station (northbound) ng MRT alas-2:25 ng hapon, kahapon.
Ayon sa DOTr-MRT3, ang nasabing babae ay may saksak sa ibabang bahagi ng dibdib na agad dinala sa pinakamalapit na ospital. Mabilis namang rumesponde ang Safety and Security Unit personnel ng DOTr-MRT3 katuwang ang PNP-Regional Mobile Force Battalion (PNP-RMFB) matapos maipagbigay-alam sa kanila ang insidente.
Nagtungo rin ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Mandaluyong PNP para sa initial assessment. Patuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.





Comments