Ayaw daw masira ang image ng Miss Universe 2015… PIA, 'DI FEEL NG KAMPO NA MAGING KONTRABIDA LAN


HANGGANG ngayon, suspense pa rin kung kanino mapupunta ang most coveted role na Darna. Isa sa mga paboritong choices ng mga netizens ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Nu’ng matanong ang manager ni Pia na si Jonas Gaffud kung may offer siyang natanggap para sa Miss Universe, he said, “Hindi ko alam. Wala kaming ano, we’re not closing our doors, pero…”
Hindi na raw nag-audition si Pia sa role.
Ani Jonas, “Kung ibibigay, why not? Ibig sabihin, sa kanya ‘yung bato.
“Kaso, naibigay kay Senator (Ronald dela Rosa), nasa Senate na siya,” pagbibirong sabi ni Jonas.
May tsika rin na ang Valentina role (na kalaban ni Darna) ang ibibigay kay Pia.
“Depende sa story pa rin. Depende sa story and everything, because we also have our image to protect, and we also have endorsements and all.”
So, dear BULGAR readers, sa’n nga ba mas bagay si Pia, as Darna or Valentina?





Comments