2 motor nagsalpukan, 3 dedbol

TATLO ang patay habang isa ang nasa malubhang kalagayan nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Bgy. Nueva Era, Cabatuan, Isabela, kahapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Adonis Balagat, 41, obrero, ng San Manuel, San Mateo; Elias Celeste, 23, magsasaka, ng Andabuen, Benito, Soliven at ang 9-anyos na si Marvy de Menia.
Ginagamot naman ang 18-anyos na si Rose de Menia na nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan.
Batay sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Armando Felipe, mabilis na pinatatakbo umano ni Balagat ang kanyang motorsiklo sa bahagi ng national highway nang bigla itong mawalan ng kontrol at napunta sa kabilang linya dahilan para salpukin nito ang kasalubong na Honda TMX na minamaneho ni Celeste kung saan angkas nito ang magkapatid na De Menia.
Lasing umano si Balagat na galing sa trabaho nito bilang construction worker at umuwing minaneho ang motorsiklo nang mangyari ang insidente.





Comments