top of page
Pokwang.jpg

Utos ng LTFRB | UV EXPRESS, BAWAL NANG MAGSAKAY AT MAGBABA KUNG SAAN-SAAN

V. Reyes
May 27, 2019
1 min read

BAWAL nang magsakay at magbaba ng pasahero ang mga UV Express kung saan-saan.

Ito ay dahil gagawin nang Point-to-Point o P2P ang operasyon ng UV Express vehicles, batay sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 2019-025 na pirmado ni LTFRB Chairman Martin Delgra na may petsang Mayo 15, maaari lamang isakay at ibaba ng UV Express units ang mga pasahero sa mga ‘designated terminal’, base sa rutang nakasaad sa kanilang Certificate of Public Convenience (CPC).

Ang mga sasakyang UV Express ay pagbabawalang magsakay at magbaba ng mga pasahero saanmang lugar na nasa pagitan ng mga itinalagang terminal.

Ang nasabing memorandum ng LTFRB ay nagbubuwag sa 2-kilometer radius end points para sa UV Express units kung saan sila puwedeng magsakay at magbaba ng mga pasahero.

Napansin ng LTFRB Board na hindi nagagamit ang mga itinalagang terminal kaya nagdudulot ng walang disiplinang loading at unloading ng mga pasahero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page