PUMUSTA NA! KANINO KA, RAPTORS O WARRIORS?
- BULGAR

- May 27, 2019
- 2 min read

NAKAGAWA ng kasaysayan ang Toronto Raptors kahapon nang makasampa sila sa NBA Finals sa unang pagkakataon matapos na habulin ang iskor ng Milwaukee Bucks, 100-94, sa Game 6.
Naiiwan pa ng 15 puntos sa nalalabing 2:18 sa ikatlong peryodo, humabol ang Raptors ng final 10 points sa naturang canto. Kasunod ng pagkabangko ni Kawhi Leonard sa unang 3:30 ng 4th quarter ay nakalamang na ng 2 puntos.
Pagbalik ni Leonard, doon na nanalasa ang kanyang team. Tumapos siya na may 27 puntos, pito sa 4th quarter at career-best 17 rebounds at 7 assists. “Just one possession at a time,” saad ni Leonard, na isinalarawan ang pagbabalik. “We kept fighting the whole game.”
Una pang natalo ang Raptors sa dalawang laro sa Eastern Conference Finals bago nagwagi ng apat na sunod. Ngayon ay sasampa na sila sa NBA finals at lalaro sa sariling balwarte sa Huwebes laban sa Golden State Warriors. “It’s still surreal to me right now,” saad ni Leonard. “But this is what we’ve been striving for all season. It’s not over yet.”
Dumagdag si Pascal Siakam ng 18 puntos, si Kyle Lowry ay may 17 habang si Fred VanVleet ay umiskor ng 14 para sa Raptors. “Kawhi stays level-headed all the time,” saad ni Lowry. “He brought that pedigree with him. “He inspired us tonight with monster rebounds,” dagdag ni coach Nick Nurse ng Raptors. “It wasn’t going well for us, it was kind of a frustrating night. But we kept playing.”
Marami nang kabiguan sa playoffs na dinaanan si Lowry sa loob ng pitong taon sa Raptors. “It means a lot to me,” saad ni Lowry. “We beat a really good team in Milwaukee. But I’m not satisfied yet. Our goal is to win the NBA championship.”
Sa kabilang banda, si Giannis Antetokounmpo ay nakagawa ng 21 puntos at 11 rebounds para sa Bucks na may hawak na NBA best record (60-22) sa loob ng regular season. Nakatulong si Brook Lopez ng 18 puntos, 9 rebounds at 3 blocks, si Khris Middleton ay may 14 puntos, si Ersan Ilyasova ay nakagawa ng 13, habang sina Malcolm Brogdon at George Hill ay may tig-10 puntos. (MC)





Comments