Nag-overtake sa tricycle | SUV BUMANGGA SA BUS, 2 DEDBOL

PATAY ang dalawang motorista makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang sports utility vehicle (SUV) sa isang bus sa kasagsagan ng malakas na ulan sa national road sa Bgy. Maligaya sa Echague, Isabela.
Dead-on-the-spot sina Dominic Feliciano, driver ng SUV at ang pasahero nitong si Aljon Ocampo.
Ayon kay Police Captain Frances Littaua, nag-overtake umano ang sasakyan ng dalawang biktima sa isang traysikel.
Gayunman, nabulaga ang mga ito sa kasalubong na Victory Liner bus at hindi na nakaiwas kaya sumalpok.
Sumuko naman sa pulisya ang 41-anyos na bus driver na si Herman Gumban na ngayon ay nahaharap sa kaukulang kaso.





Comments