BF ng anak, aprub na aprub daw sa kanya… GABBY, ATAT NA ATAT NANG MABUNTIS SI KC
- BULGAR

- May 27, 2019
- 1 min read

SIYEMPRE, pabor na pabor si Gabby Concepcion kung sakaling magbabalik-showbiz talaga ang anak niyang si KC Concepcion. Kamakailan nga kasi ay nag-post ang dalaga na nami-miss na raw niyang umarte.
“Anytime naman, yayakapin naman siya ng industriya, eh. Ayaw pa niya, eh, dahil in love,” reaksiyon ni Gabby nang makausap namin sa set ng Love You Two.
As we all know ay may boyfriend si KC ngayon, ang French filmmaker and producer na si Pierre Emmanuel Plassart na ayon kay Gabby ay na-meet na niya’t in-introduce na sa kanya ng anak.
“Okay siya, mabait,” sabi ni Gabby about Pierre.
When asked kung okay na rin ba sa kanya sakaling magpakasal na si KC, aniya ay oo naman daw.
“Kahit ano’ng gustong gawin niya, basta’t masaya siya, nandiyan lang ako, nakatutok lang, nakamasid, nakaabang,” aniya.
Ready na rin ba siyang magkaapo?
“Naku, gusto ko nga, marami na akong apo. Etong mga ‘to, ayaw pa, eh. Hindi ko pa na-experience, eh. I’m sure, masaya ‘yun, ‘di ba?”
Samantala, masayang-masaya si Gabby sa mataas na ratings ng Love You Two gabi-gabi. Nagpapasalamat daw siya sa mga kasama niya tulad nina Jennylyn Mercado, Solenn Heussaff, Shaira Diaz and the rest of the cast, gayundin sa lahat ng production staff and crew.
“Actually, ang mas dapat pasalamatan natin, ‘yung mga nasa behind the scenes, ‘yung mga director of photography, ang mga staff, crew, of course, ‘yung magagaling na writers, director, assistants, mga bosses natin. It’s a teamwork.”





Comments