Balik-eskuwela, bantay-sarado


Isang linggo na lang at magbabalik-eskuwela na ang mga mag-aaral.
Kaya naman nagsisimula nang maghanda ang mga awtoridad para sa kaligtasan ng mga estudyante.
Kaugnay nito, ipakakalat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar ang 7,000 pulis sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 3.
Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa unang araw ng eskuwela.
Ayon sa NCRPO chief, nakikipagtulungan na sila sa mga paaralan para sa mga itatalagang PNP personnel.
Magbabantay din aniya ang PNP sa mga karaniwang dinaraanan ng mga estudyante sa pamamagitan ng paglalagay ng checkpoints.
Dagdag pa ni Gen. Eleazar, hindi sila titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra krimen.
Dahil dito, siguradong hindi mababahala ang mga magulang sa kaligtasan ng pagbabalik-eskuwela ng kanilang mga anak.
Bilang alagad ng batas, dapat silang maging mahigpit sa seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.





Comments