SISIMULAN NG DOUBLE HEADER ANG PVL REINFORCED CONFERENCE


NAKATAKDANG magsimula ngayong hapon ang mga maiinit na laban sa Premier Volleyball League Season 3 sa pagbubukas ng Reinforced Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City. Maghaharap sa unang laban ang Pacific Town Army at ang nagbabalik aksiyong BaliPure sa ganap na 2 p.m. Magsasalpukan naman sa tampok na laro ang defending champion Creamline at ang pinalakas na koponan ng Petro Gazz ganap na 4 p.m.
Inaasahan ng Cool Smashers na maipagtanggol ang kanilang titulo kaya Marso pa lang ay nagsimula na silang mag-ensayo kasama ng imports. Kinuha muli ng Cool Smashers si Kuttika Kaewpin ng Thailand at makakatambal ang baguhang si Aleoscar Blanco ng Venezuela para pangunahan ang title retention bid katuwang ng local ace na si Alyssa Valdez. “We want to defend our title. Our imports have been here since March so we’ve been practicing with them for more than a month now. Hopefully, the chemistry is already there,” ayon kay Valdez Tatapatan sila nina Wilma Salas ng Cuba at balik American import na si Janisa Ivette Johnson bilang mga reinforcements ng Petro Gazz. Samantala sa unang laban, dalawang Thai reinforcements ang mamumuno para sa baguhang Pacific Town Army sa katauhan nina Sutadta Chuewulin at Kannika Tipachot.
Susubukan ang kanilang galing ng mga bagong imports ng Water Defenders na sina Danijela Dzakovic ng Montenero at Alexandra Vajdova ng Slovakia. (VA)
Mga laro ngayon FilOil Flying V Center 2 p.m. Pacific Town Army vs. Balipure
4 p.m. Petro Gazz vs. Creamline





Comments