top of page

Sanhi ng brain aneurysm

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 26, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Kamakailan, may ka­tra­baho akong bigla na lamang hindi pumasok sa shift niya. Ang usap-usa­pan, siya raw ay may brain aneurysm at mukhang tu­luyan nang magre-re­sign. Naaawa kami sa kanya da­hil sa pagkakaalam na­min ay bread winner siya ng kanilang pamilya. Ma­aari ba ninyong pakitala­kay ang tungkol sa brain aneu­rysm, ano ang sanhi at sin­tomas nito? — Rossi

Sagot

Ang brain aneurysm ay mahina at lumolobong ba­hagi ng ugat sa utak. Kada­lasan ay walang sintomas ang brain aneurysm. Kapag pu­mutok ang brain aneurysm, tatagas ang dugo sa buong utak. Maiipon ang dugo sa su­barachnoid space at maa­ari itong magdulot ng stroke. Maaaring mamana ang po­sibilidad ng pagkakaroon ng aneurysm o maaari itong ma­ging resulta ng pagkapal ng ugat (atherosclerosis) dahil sa cholesterol at pagtanda. May ilang mga bantang salik na maaaring magdulot ng brain aneurysm.

Karamihan dito ay ma­ko­kon­trol natin at kayang maiwasan.

Narito ang mga kara­niwang dahilan ng brain aneurysm:

  • family history

  • previous aneurysm

  • mas mataas ang tsan­sang magkaroon ng brain aneurysm ang mga kababa­ihan

  • may mataas na panga­nib na magkaroon ng aneu­rysm ang mga African-Ame­rican

  • mga taong may alta­presyon

  • mga taong naniniga­rilyo dahil ito ay nakapag­papataas ng blood pressure

  • may brain injuries

  • may mataas na LDL cholesterol

Kadalasan ay walang sintomas ang brain aneu­rysm, pero maaaring maka­ranas ng sintomas kapag nag­dudulot ng pressure ang lu­mobong ugat sa utak.

Maa­aring makaranas ng sakit ng ulo, panlalabo ng mga mata, hirap sa pagsa­salita at sakit sa leeg.

Kapag pumutok ang brain aneurysm, kailangang tumawag agad ng emergency o dalhin sa pinakamalapit na ospital ang pasyente.

Ang sin­tomas ng pu­mutok na brain aneurysm ay biglaan at sobrang sakit ng ulo, sakit sa leeg, pagkahilo, pagsusu­ka, nagiging sen­sitibo ang mga mata sa li­wanag, nawa­walan ng malay, seizures, dilated o malaking pupils at bumabagsak ang talukap ng mga mata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page