Rollback sa gas

MAY napipintong pagbaba sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.
Gayunman, pinangunahan ng Phoenix Petroleum Philippines ang bawas-presyo na nasa P0.35 kada litro ng gasolina at P0.45 naman sa diesel na epektibo alas-6:00 ng umaga.
Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), ang diesel ay nasa P0.50 hanggang P0.55 kada litro, sa gasolina ay P0.40 hanggang P0.50 kada litro habang sa kerosene ay P0.50 hanggang P0.60 kada litro.
Tuwing Martes ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis ang price adjustment.
Base sa DOE, ang ipinatupad na pagtapyas ng presyo sa mga produktong petrolyo ay kaugnay ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa world market.





Comments