Para walang gulo, Erap padadalhan ng sulat | TRANSITION TEAM, KASADO NA

MAYROON ng binuong transition team para matiyak ang maayos na turnover ng pamamahala sa Lungsod ng Maynila sa Hunyo 30.
Ayon kay Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, kabilang sa team sina incoming secretary to the mayor Councilor Bernie Ang; incoming city administrator Felix Espiritu; incoming city legal officer Atty. Jun Moreno, incoming chief of staff Cesar Chavez at Atty. Ronnie Puno.
Samantala, isang liham para kay outgoing Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang personal na iaabot ng transition team sa kanyang tanggapan sa Manila City Hall, bukas.
Ang paglikha ng nasabing transition team ay para matiyak ang smooth local governance transition sa mga bagong halal na opisyal ng lungsod.





Comments