top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Network, imoral na raw, may palakasan pa at luto ang mga contests… HIRIT NI GARY V.: MAY NANGYARI KA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 26, 2019
  • 2 min read

HINDI na nagpatumpik-tumpik pa si Gary Valen­ciano nang maitanong sa kanya kahapon sa press­con ng Circuit Makati EVOLT International Dance Festival 2019 ang tungkol sa kontrobersiyal na pahayag ng kapwa singer na si Jimmy Bondoc.

Matatandaang in a Facebook post ay sinabi ni Jimmy na excited siya na magsara ang isang malaking network, na obvious na ang tinutukoy ay ang ABS-CBN. Bukod dito ay mabi­gat din ang paratang niya sa network na diumano ay may mga sexual favors at politics na na­gaganap kapalit ng kasikatan at diumano ay luto ang mga contests.

Ayon kay Gary, nalungkot siya at nabigla sa mga tinuran ni Jimmy na dati niyang naka­tra­baho sa Twist and Shout sa Kapamilya Network kung saan ay sila ni Martin Nievera ang mga hosts.

I don’t know exactly why Jimmy would come out so boldly and to say such things, but something must have happened, something must have occurred for him to become that way because that doesn’t seem like the Jimmy I once knew.

“So, nakakabigla and I knew it was going to create a lot of wave whether it’s people in the industry or even people outside of the industry and maybe even people who are far away like OFW (Overseas Filipino Workers) who stay in contact with their families because of what ABS-CBN has been able to give them.”

Gusto raw niyang makausap muna si Jimmy at alamin ang rason nito for saying such things but before that, ayaw daw muna niyang husgahan ang singer.

Samantala, pangungunahan ni Mr. Pure Energy ang Circuit Makati EVOLT International Dance Festival 2019, ang pinakamalaki at pinakaengrandeng dance festival ng Pilipinas na gaganapin sa Circuit Makati.

Opisyal na magsisimula ang festival sa Hunyo 2 sa pa­ma­magitan ng mga espesyal na performances mula sa online sensation at TV personality na si Lady Pipay at mula rin sa mga kalahok sa dance competition ng event.

Ang mga hurado ng dance competition ay sina Julie Bor­romeo, Regine Tolentino, Mari­beth Bichara, Nancy Crowe, John Supan at Frank Rivera. Lahat ng mga kalahok ay mag­lalaban-laban sa cash prizes na hihigit sa isang milyong piso sa kabuuan nito.

Ang award-winning concert director na si Paolo Valen­ciano ang magdidirehe ng main at culminating event ng festival na magaganap sa Hunyo 8 sa Events Open Ground ng Circuit Makati.

Aside from Gary V., kasama rin sa concert sina Billy Crawford, Gab Valenciano at Darren Espanto, gayundin sina Regine Tolentino, Lady Pipay, AC Bonifacio, Nhizky Calma at pati na rin ang mga K-pop artists na Chic Angel at Rion Five.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page