HOROSCOPE | Mayo 26, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 26, 2019 (Linggo): Kahit paulit-ulit na pumangit ang buhay mo, paulit-ulit din itong aayusin ng langit dahil ang iyong kaarawan ay may kahulugan na ikaw ay may magandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ang mismong langit para pagandahin ang landas ng buhay na iyong tinatahak. Sa ganito, wala kang katwiran para huminto sa iyong mga ginagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-20-24-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw ang masusunod, kaya ikaw ang mag-utos. Ang papel mo sa mundo ngayon ay tagapag-utos, kaya huwag kang sunod nang sunod sa taong nakaugaliang diktahan ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-24-37-38.
GEMINI (May 21- June 20) - Kahit pa hindi ka nakatutok sa mga pangarap mo makikitang isa-isa itong nagkakaroon ng katuparan. Ito ay dahil noong isinilang ka, ang mga suwerte ay iyong kakambal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-24-30-32-36.
CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang paaawat sa gusto mong gawin. Sila ang dapat huminto sa pakikialam sa buhay mo. Ang taong may hawak sa buhay mo ay ikaw mismo at hindi sila na mga pakialamero. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-20-26-39-40-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lupa ang katapat ng langit. Kaya ang malaki ay katapat ng maliit, ito ang gamitin mong basehan kung talagang para sa iyo ang makakasama mo, habambuhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-18-21-25-34-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang tanungan ng maraming tao. Mainam kung hindi mo papansinin ang iba na walang magawa kundi ang umepal lang sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-25-27-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maging makatotohanan ka! Kailangan ng tao ang materyal na bagay kaya ito rin ay iyong kailangan. Huwag kang tumulad sa iba na nagkukunwaring ayaw ng materyal na bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-18-20-24-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong kalimutan ang mga taong nakatulong sa iyo ngayong papaganda na ang buhay mo. Huwag mo ring kalimutan ang mga hindi ka tinulungan para sila ay matauhan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-16-24-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumingin ka sa itaas. Ito ang susi ng tagumpay na nagsasabing, ang nangangarap lang ang may tsansa na magkaroon ng magandang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-14-21-25-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbibigay ng lakas ang sikat ng Haring Araw sa umaga. Ito ay kailangan mo, hindi dahil sa may sakit ka kundi para mas lumakas pa ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-29-30-34-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka! Walang tao ang pipiliing malungkot, pero minsan, mayroon ganu’ng nilalang kung saan ayaw nilang takasan ang malungkot na buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-14-29-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumunod ka lang sa agos ng iyong buhay. Nangyari na ito sa iyo kung saan dinala ka sa mismong harapan ng taong nagbigay sa iyo ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-12-27-34-44.




Comments