COACHES FERNANDEZ AT BALDWIN SA COLLEGIATE AWARDS
- BULGAR

- May 26, 2019
- 1 min read

SA kanilang tagumpay na pahabain ang kanilang paghahari sa kani-kanilang kinabibilangang liga, muling gagawaran ng parangal ang dalawa sa pinakamahusay at madiskarteng coaches sa larangan ng collegiate basketball.Tatanggap muli ng parangal sina San Beda Red Lions head mentor Boyet Fernandez at Ateneo Blue Eagles chief tactician Tab Baldwin bilang Coaches of the Year sa darating na 2019 Chooks-to-Go Collegiate Awards na ihahatid ng SportsVision sa Lunes-Mayo 27 sa Amelie Hotel Manila sa Malate.
Sa patnubay ni Fernandez, nakamit ng Red Lions ang 11th title sa nakalipas na 13 taon at pang-22 overall crown nila sa NCAA Seniors Basketball Tournament sa katatapos na NCAA Season 94. Ang karangalang ito ang ikalimang Coach of the Year award ni Fernandez na pumantay sa naitala ni dating Ateneo Blue Eagles head coach Norman Black. Nakatakdang matanggap ni Baldwin ang ikalawang sunod niyang Coach of the Year award. Sa pamumuno ni Paul Desiderio, winakasan ng UP ang 32-year finals drought para sa kauna-unahan din nilang podium finish sa loob ng mahigit tatlong dekada. Ang awards night ay mapapanood ng live sa Chooks-to-Go Pilipinas Facebook page. (VA)





Comments