After ng Canada, Hong Kong naman — Palasyo | ‘PINAS, HINDI DUMPSITE!

NAKATAKDANG ibalik ng Pilipinas sa Hong Kong ang basurang dumating sa Misamis Oriental.
Ito ang tiniyak ng Palasyo kasabay ng pagpuri sa Bureau of Customs makaraang madiskubre ang mga basurang plastic na nakadeklarang “assorted electronic accessories” matapos madiskubre ang mga basura mula sa Australia, Canada at South Korea.
Nabatid na ang shipment mula sa Hong Kong ay dumating sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Enero.
Kaugnay nito, umapela ang Palasyo sa kaukulang ahensiya ng gobyerno na patuloy na maging alerto at harangin ang pagpasok ng basura sa bansa.
Iginiit ni Panelo na ang polisiya ng gobyerno ay hindi dapat maging tambakan ng basura ng ibang bansa ang Pilipinas. Matatandaang, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagbabalik ng basura ng Canada na dumating sa bansa noong 2013 at 2014.
Hindi tinanggap ng gobyerno ang nais ng Canada na makumpleto ang proseso ng paghakot ng basura sa katapusan pa ng Hunyo.





Comments