Romualdez at Velasco, agawan sa House Speakership
- Mylene Alfonso
- May 25, 2019
- 1 min read

NABULAGA si re-elected Leyte Cong. Martin Romualdez matapos ang panibagong pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Una nang ipinakilala ni Sara bilang “next Speaker” si Romualdez sa Hugpong ng Pagbabago rally noong Marso sa Tacloban, teritoryo ng mambabatas.
Gayunman, inendorso rin umano ng Presidential Daughter si Rep. Lord Allan Velasco noong sumunod na araw.
Matatandaang, ang Lakas-CMD Party na pinamumunuan ni Romualdez ang sinasabing promotor ng pag-delay ng approval ng 2019 National Budget sa House dahil sa mga tinaguriang illegal post-ratification realignments sa budget sa kabila ng aprubado na ito ng Senado sa bicameral conference committee.
Ito ang naging dahilan kung bakit sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pipirmahan ang ‘illegal document’, na nauwi sa pag-veto sa mga probisyon na umano’y isiningit.
Para naman kay Velasco, nag-post ito ng litrato niya at kanyang asawa kasama si P-Duterte sa Malacañang noong May 17 at noong birthday celebration ng presidente na siya umano ang nag-sponsor.
Samantala, hindi rin umano sumuporta si Velasco kay P-Duterte noong tumakbo ito sa pagka-presidente, sa halip ay sinuportahan si Sen. Grace Poe na nag-no. 1 naman sa Marinduque sa katatapos lang na eleksiyon.





Comments