top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Negosyante pinagbabaril, utas

Levi Gonzales
May 25, 2019
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang negosyante matapos barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Sitio Ilaya, Bgy. Canda, Sariaya, Quezon.

Batay sa imbestigasyon, alas-7:45 ng gabi, nasa loob ng kanyang sari-sari store at abala sa panonood ng telebisyon ang biktimang si Gregorio Resurreccion nang may nagkunwaring bibili sa tindahan nito.

Paglapit nito sa dalawang suspek, agad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago nagsitakas patungo sa direksiyon ng Bgy. Janagdong 2. Dali-dali pa siyang dinala sa ospital kung saan hindi na rin ito umabot ng buhay.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page