Mga sundalo ginamit, Senado binaboy | TRILLANES, BAKLA! — DUTERTE

MULING inupakan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV makaraang mabunyag na sangkot ang huli sa pagpapabagsak laban sa administrasyon.
Kasunod ito ng pagbaligtad ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na ang senador at Liberal Party ang nasa likod umano ng kontrobersiyal na “Ang Totoong Narcolist” videos para pabagsakin si Duterte.
Sa kanyang talumpati sa thanksgiving dinner sa Davao City, tinawag ni Pangulong Duterte na walanghiya at hindi lalaki si Trillanes.
“O, ngayon nag-surface na si Bikoy. Trillanes is one guy who’s a shame. Pati ‘yang Magdalo na sumunod sa kanya. God... T*** i** kayo,” ani Duterte.
“Binaboy mo ang Senado. And you used that power to run after people,” sabi ni Duterte.
Binanatan din ng Chief Executive si Trillanes dahil sa pag-aakusa nitong mayroon siyang mga sasakyan at mga lupa na nakapangalan sa ibang tao.
Kaugnay nito, hinamon ng Chief Executive ang kanyang mga kritiko na magsilabas kung talagang nais nila siyang patalsikin.
“At ikaw ngayon… ‘Di alam ng mga sundalo, hindi nila alam na karami mong kotse tapos karami mong properties na nakalista sa ibang tao. Ikaw ‘yung number one nanggagamit ng tao. Lalabas rin ‘yan. Kaya sabi ko walang- hiya ka, hindi ka lalaki,” pahayag ni Duterte.
“Maski sinong magtanong, maski… tanungin mo ‘yung mga bakla. Tanungin mo bakla, kita si Trillanes, “Ano ‘yan si Trillanes? Lalaki o babae?” [laughter] Hindi ako. I will not add. Magtanong lang kayo ng bakla na kaibigan niyo. Tapos tanungin mo, “Ano ‘yan si Trillanes?” You’d be surprised. ‘Pag — tanungin mo ‘yung mga bakla. Maski sinong bakla. May sabihin sa ‘yo ‘yan. Ganu’n ka. P***** i** mo. Walanghiya ka na pati pamilya, pati mga bata isali. And you think… Gusto mo pang hamunin ‘yung pulis pati sundalo. Eh, kung nagkapatayan doon…,” dagdag pa ng pangulo.
Una nang itinanggi ni Trillanes ang mga alegasyon ni ‘Bikoy’ at kumbinsido umano siyang pakana na naman ito ng administrasyon upang i-harass ang oposisyon.





Comments