top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | Mayo 25, 2019 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 25, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 25, 2019 (Sabado): Mabilis ka sa lahat ng bagay, kaya maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga ka­ribal at kakumpitensiya. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pag­silang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo ka­agad ang unang naisip mo da­hil ang susunod na papa­sok sa isip mo ay walang magandang maibibigay sa iyo. Muli, ang unang pa­pasok sa isip mo ay ga­win mo na kaagad. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-20-25-33-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaba­han ka! Ito ay dahil nasa­sa­gap mo na ang malala­king suwerteng unti-un­ting lumalapit sa iyo. Ihan­da mo na ang iyong sarili, itakwil mo na ang iyong mga hindi ma­gan­dang ugali. Masuwer­teng ku­lay-black. Tips sa lotto-9-18-22-28-25-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Ngayon mo hi­lingin sa langit ang iyong ma­la­laki at maliliit na ka­hili­ngan sa nagdaan na akala mo ay hindi ka pi­na­king­gan. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-3-11-15-18-21-38.

CANCER (June 21- July 22) - Tutukan mo ang pangka­bu­hayang as­peto ng iyong buhay. Ka­sabay ng pagganda ng da­ting ng mga suwerte, pag­papalain ka rin sa iba pang aspeto ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-26-31-37-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag­dahan-dahan ka nang makita mo ang lahat ng anggulo. Kapag mali­naw na sa iyo ang lahat, ang payo ay bilisan mo na ang pag­tupad sa mga bagay na na­iisip mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-14-23-31-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muling nag­babalik ang mga espesyal na araw mo. Sinupin at paha­lagahan mo ito, ga­yundin, mahalin mo ang mga biya­yang mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-24-26-34-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lahat ay may katapusan at ito ang iyong sandalan. Ang mga sulira­nin, gaanuman kalaki ay natatapos din. Sa araw na ito, ang iyong mga alala­ha­nin ay isa-isang mawa­wala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-28-30-36-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumapit ka sa mga ma­kalumang aral ng buhay. Ang mga ito ay magsisilbing ma­bisa mong sandata laban sa mga man­daraya at sa mga gusto kang maisahan. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-14-25-32-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumu­ku­ha ng mala­kas na buwelo ang mga suwerte mo. Ito ang dahilan kung bakit akala mo ay nawala ang mga ito, kaya ka minamalas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-17-29-30-31-37-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabilis kang mapapa­sang-ayon sa hindi mo talaga gusto. Para makaiwas ka sa pag­kakamali, mas magan­dang ipaubaya mo sa ma­lapit sa iyo ang pagsagot sa mga katanungan tung­kol sa mga kahilingan mo. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-4-10-14-21-23-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Unti-unti nang lumili­naw ang moti­bo ng bagong kakilala mo. Hindi ka dapat muli pang masaktan. Magpasya ka agad kapag malinaw na ang lahat. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-9-28-31-33-40-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpapalit ka ng desis­yon at ito ay magi­ging biglaan. Kahit ikaw ay magugulat sa ga­gawin mo. Ang masuwer­teng ba­lita ay nagsasa­bing, tama ang iyong bagong desis­yon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-14-25-31-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page