top of page

Apo nireyp ni lolo

  • Levi Gonzales
  • May 25, 2019
  • 1 min read

KULONG ang 60-anyos na lolo matapos nitong gahasain ang kanyang dalagitang apo sa Bgy. Duhat, Plaridel, Quezon.

Sa salaysay ng biktimang si alyas Jane, menor-de-edad, natutulog siya sa kanyang silid nang pasukin at gisingin ng suspek na si alyas Mar.

Agad umano siyang hinubaran saka ginahasa at agad na umalis.

Pagbalik ng kanyang lola, isinumbong nito ang kanyang sinapit hanggang sa humingi sila ng tulong sa mga barangay official. Nahanap agad ang suspek kung saan mabilis siyang inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page