top of page
Pokwang.jpg

8 bahay natupok sa sunog

Pabs Hernandez III
May 25, 2019
1 min read

COTABATO CITY—Walong bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog, kamakalawa sa Bgy. Rosary Heights, sa lungsod na ito.

Napag-alaman na bigla umanong sumiklab ang apoy sa isang bahay at dahil gawa lang sa light materials ay nadamay sa nasunog ang pito pang kabahayan sa naturang lugar.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy.

Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog sa nasabing barangay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page