top of page

7 nadale sa kidlat

  • Jeff Tumbado
  • May 25, 2019
  • 1 min read

ISA ang patay habang anim ang nalapnos ang ka­tawan makaraang ta­maan ng kidlat sa kasag­sa­gan ng pag­buhos ng ulan sa Bgy. San Vi­cente, Canaman, Cama­rines Sur.

Pasado alas-5:00 ng ha­pon ng Huwebes nang ma­ganap ang insidente habang nagpapahinga sa kubol ang mga biktima na pawang tra­bahador sa isang plantasyon ng mangga.

Bigla na lamang uma­nong nagdilim ang kalangitan ka­sabay ang pagbuhos ng ma­lakas na ulan na may kasa­mang pagkulog at pagkidlat.

Sa kalagitnaan nito, isang kidlat ang sumagitsit sa kina­lalagyan ng mga biktima at nasapol ang mga ito.

Isa sa kanilang mga kasa­mahan ang napuruhan sa pagtama ng kidlat na siyang ikinasawi nito habang ang iba ay nalapnos ang balat at di­nala sa ospital kung saan isa sa kanila ay kritikal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page