2.9 billion fake accounts tinanggal ng Facebook
TINANGGAL ng Facebook ang mahigit 2 bilyong bogus accounts.
Ayon sa Facebook, sa unang quarter ng 2019, umabot sa 2.9 billion ang accounts na kanilang tinanggal.
Mas mataas ito ng halos doble sa bilang ng mga na-disable na Facebook accounts kumpara noong huling tatlong buwan ng 2018.
Ayon sa social media giant, pawang automated imposters ang gumawa ng accounts.
Samantala, umabot sa 65% ang na-detect nilang hate speech at kusang tinanggal.
Sa kabuuan, umabot sa 4 million posts na maituturing na hate speech ang inalis ng Facebook sa unang tatlong buwan ng taon.





Comments