top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Walang ibang inaatupag kundi bumiyahe sa U.S. at Europe para siraan ang ‘Pinas | CHR Chairman Gascon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2019
  • 3 min read

ISA sa mga unang dapat gawin ng bagong Kongreso ay ang pagsipa sa puwesto ng mga na­titirang dilawan sa gobyerno tulad ni Com­mission on Human Rights Chairman Chito Gascon.

Bakit kanyo? Dahil ito sa paninira niya ng ma­gandang pangalan ng Pilipinas, sa pagkaka­lat niya ng kasinungalingan sa buong mundo para lamang bumagsak ang gobyerno.

Loyalista ng Partido Liberal si Gascon, isa siyang mataas na opisyal sa partidong ito, pero dahil talunan ang mga kandidato nila sa kata­tapos lang na eleksiyon (itlog ang Otso Diretso), desperado na ang dilawan na tulad ni Gascon.

Hindi nila matanggap na nagsawa na ng botanteng Pilipino sa kanila. Tingnan ninyo, natalo si Bam Aquino kahit anong porma niya na kahawig daw niya si ‘Ninoy’ Aquino, gayun­din, natalo ang dating kilalang mga pangalan na Roxas, Tañada at Diokno habang natalo rin ang mga kaalyado ng dilawan sa partylist.

Kaya naman sa abroad na lang nagkakalat ng lagim si Gascon. Wala nang gustong makinig sa kanya dito.

Nagtatrabaho pa ba sa Pilipinas si Gascon o panay abroad lang siya? Sana ay imbestiga­han ng Civil Service Commission kung maa­aring may kaso ng abandonment of duties laban kay Gascon.

Samantala, dapat simulan agad ng Kon­greso ang proseso ng impeachment para ma­tanggal nang tuluyan si Gascon sa CHR. Sa­yang lang ang perang ibinabayad sa kanya, milyones pa naman ang nakukuha niya mula sa kaban ng bayan.

Ginagamit lang ni Gascon ang posisyon niya sa CHR para masira ang imahe at reputasyon ng Pilipinas sa buong mundo.

Sa halip na gawin ang trabaho niya sa CHR, wala siyang ginagawa kundi bumiyahe sa U.S. at Europe para magkalat ng “fake news” na paninira sa ating Republika.

Masyado nang kumakalat ang mga kasinu­ngalingan ni Gascon. Heto nga at may komed­yanteng taga-New York ang ginamit pa ang maling pinagsasabi ni Gascon sa kanyang comedy skit.

Sabi ng hindi kilalang komedyante (huwag na nating banggitin ang pangalan at baka sumi­kat pa) na, “ayon sa Commission on Human Rights, mula nang pumasok si Pangu­long Du­terte noong 2016 ang bilang ng mga na­matay mula sa extrajudicial killings ay 27,000 na nakakikilabot.”

Dagdag pa ng engot na komedyante na hindi marunong mag-research, mas maraming tao raw ang napatay sa Pilipinas kaysa sa Iraq, Somalia o Democratic Republic of Congo.

Ano raw ulit? Mas marami ang namamatay dito kumpara sa Middle East at Africa na pa­laging may giyera? Sa mga bayan na bino­bomba palagi ng U.S. forces o ng mga kalaban nila?

Ang ganitong maling impormasyon ay na­kuha ng komedyante at iba pang taga-abroad mula sa ipinagkakalat ng mga taksil na dilawan na tulad ni Gascon.

Pilipino ba si Gascon o U.S. citizen? Dapat i-check din ng Bureau of Immigration (BI) at Na­tional Bureau of Investigation (NBI) ang pa­sa­porte na ginagamit ni Gascon dahil baka U.S. citizen din siya tulad ni Maria Ressa, CEO ng news website na Rappler.

Panay pa-interview ni Gascon sa mga Wes­tern media tulad ng New York Times para lamang madungisan niya ang reputasyon ni Pangulong Duterte at mga gabinete nito sa mata ng mga dayuhan.

Dapat tingnan din ng Justice Department ang anggulo ng treason laban kay Gascon. Saan ka nakakita na opisyal na pumupunta abroad para lamang manira at mapabagsak ang bansa at gobyerno natin?

Ang kapal ng mukha ni Gascon para tu­mang­gap ng milyones mula sa gobyerno na gusto niyang wasakin. Sa halip na magtrabaho ay namomolitika. “MO” o modus-operandi ito ng mga dilawan.

Sisiraan nila sa abroad ang mga pangulo ng Pi­li­pi­nas para ma-pressure ang mga ito, bumag­sak ang kanilang administrasyon at makaagaw sila ng kapangyarihan.

Ginawa nila ito noong panahon nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang layunin nila ay “power grab” (pakialam ba nila sa mahihirap, puro elitista naman ang dilawan).

Ang ipinagka­kalat ni Gascon na 27,000 ang namatay sa EJK ay kasinungalingan.

Paulit-ulit na natin naisulat ito, base sa ating research at pati na rin sa datos ng Philippine National Police (PNP), 5,000 lang ang namatay sa mga police operation sa kampanya ng gob­yerno laban sa iligal na droga.

Matagumpay ang programa ng administras­yong Duterte laban sa mga drug lord at iba pang nagbebenta at gumagamit ng shabu o ili­gal na droga at mahigit isang milyon durugista ang nagsurender at nagbagong-buhay.

Malamang, naputol ang pondo na pumapa­sok sa dilawang partido kaya todo ang paninira nila sa laban sa iligal na droga.

Sa mga bagong kongresista, kung gusto ninyong ipakita sa mga botante na makabayan kayo, simulan na ninyo ang proseso ng pag-im­peach sa taksil na si Chito Gascon. Pasasa­lamatan kayo ng taumbayan kapag napatanggal ninyo ang “useless” na si Gascon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page