Shortage sa classrooms, nabawasan — DepEd

PINURI ni Education Sec. Leonor Briones ang Quezon City Government dahil sa pagsuporta nito sa national government upang mapaunlad ang antas ng edukasyon.
Ito ay makaraang pasinayahan ang apat na palapag na gusali na may 23 classrooms ng Bautista school building sa Flora A. Ylagan High School.
Ayon naman kay Mayor Herbert Bautista, bahagi ng patuloy na suporta ng lungsod sa national government ang pagpapatayo ng mga bagong school building.
Naniniwala ang alkalde na nabawasan na ang kakulangan ng classroom sa lungsod kung saan dati ay 3,000 ang shortage sa classroom pero, sa kasalukuyan ay 1,000 na lamang.
Samantala, ang bagong school building sa FYHS ay may 13 regular classrooms, 3 communication laboratories, 2 tourism laboratories, science laboratory, cooking laboratory, bread at pastry laboratory at 2 faculty at ancillary rooms, para magamit naman ng ilang 100 senior high school students.
Nakatakda ring pasinayahan ang pito pang school buildings bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 3.





Comments