top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Rider pisak sa truck

Maeng Santos
May 24, 2019
1 min read

DEDO ang 24-anyos na merchandizer matapos mabangga ang kanyang minamanehong motorsiklo ng rumaragasang dump truck sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong mga pinsala sa katawan si John Paul Diolola, ng Bgy. Paso de Blas matapos isugod sa ospital ng rumespondeng mga tauhan ng Valenzuela Rescue Team.

Sa nakarating na ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. David Nicolas Poklay, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa northbound lane ng MacArthur Highway.

Minamaneho ng biktima ang motorsiklo na may plakang BA 80393 patungo sa Bgy. Karuhatan nang masalpok ito ng rumaragasang dump truck na tinatahak din ang kaparehong direksiyon sa tapat ng Fatima Hospital sa Bgy. Marulas.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima mula sa motorsiklo hanggang sa magulungan ang katawan nito ng hulihang gulong ng trak na hindi man lang huminto.

Isang nagmalasakit na motorsita na nakasaksi sa insidente ang nagawang makuha ang temporary license plate ng dump truck na MV File #-1301-0000638786.

Patuloy namang tinutugis ng pulisya upang maaresto ang driver ng dump truck.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page