Mag-utol na 4 at 11 nalunod sa pasig river, dedo
- Gina Pleñago
- May 24, 2019
- 1 min read

BANGKAY na nang matagpuan sa magkahiwalay na barangay ang magkapatid na kapwa lalaki na nasa edad 4 at11 matapos malunod sa Pasig River kahapon ng umaga sa Makati City.
Kinilala ang mga biktima na sina Ronald Angelo at Dave Demano y de Guzman.
Alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkules, habang nakatayo ang biktimang si Dave sa isang bato sa Ilog- Pasig nang aksidente umanong nadulas at nahulog sa ilog.
Ang pangyayari ay nakita ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ronald Angelo kaya dali-dali itong tumalon sa ilog upang tulungan ang kanyang kapatid kahit hindi ito marunong lumangoy.
Kapwa inanod ang magkapatid at ilang oras na pinaghahanap ng rescue team.
Hanggang kahapon ng umaga nang matagpuan ang magkapatid sa magkaibang lugar kung saan unang natagpuan ang bangkay ng nakatatandang kapatid sa bahagi ng Bgy. Poblacion, Makati City.
Habang sa Bgy. West Rembo naman narekober ang bangkay ni Dave alas-6:00 kahapon ng umaga na palutang-lutang sa pampang ng Pasig River.





Comments