'Kris magic', wa' epek noong eleksiyon

DAPAT MAG-INGAT SI P-DUTERTE KAY ‘BIKOY’ KASI ESTAPADOR AT SWINDLER ‘YAN — Sa kanyang presscon sa Camp Crame ay ibinulgar ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na ang grupo raw ni Sen. Antonio Trillanes IV at kandidato ng “Otso Diretso” ang nag-utos sa kanya na isangkot sa iligal na droga ang mga taong malalapit kay P-Duterte at pagkaraan ay nais daw niyang makaharap ang pangulo para personal na humingi ng tawad.
Ganu’n? Aba, dapat may magpayo kay P-Duterte na huwag harapin si “Bikoy” na estapador, swindler, maboka at magaling magsalita dahil baka ma-scam pa niya ang pangulo, boom!
◘◘◘
SINO ANG TOTOONG ‘HANDLER’ NI ‘BIKOY’?—Sa paglantad noon ni “Bikoy”, maraming nakakilala sa kanya na siya ay estapador at swindler.
Nakilala rin siya ni Senate Pres. Vicente 'Tito' Sotto III na siya ang taong lumapit sa kanya noong December 2016 na nagpiprisentang tumestigo para idiin sa iligal na droga sina ex-Pres. Noynoy Aquino, ex-DILG Sec. Mar Roxas at Sen. Leila de Lima.
Parang ang gulo, ang sabi niya noon kay Sen. Sotto, sina ex-P-Noy, Mar at De Lima ang sabit sa iligal na droga, pero sa kanyang “video serye”, ang mga taong malalapit kay P-Duterte ang isinangkot niya sa iligal na droga at sa paglantad niya ngayon, si Sen. Trillanes, LP at “Otso Diretso” na ang idinidiin niya sa kanyang kuwento.
Sino kaya talaga ang handler ng estapador at swindler na si “Bikoy”? Abangan!
◘◘◘
4 ‘MANOK’ NI ‘TETAY’ NOONG ELEKSIYON, TALO — Sabi ni Kris Aquino, apat lang daw sa “Otso Diretso” ang kanyang ‘manok’ sa nakalipas na halalan.
Sana, hindi na niya isinapubliko ‘yan kasi lumalabas na wala na siyang karisma sa publiko, dahil ang apat na sinuportahan niyang kandidato mula sa “Otso Diretso” ay mga natalo, boom!
◘◘◘
RAKET NI ‘GERRY MUSLIM’ SA LIPA CITY—Isang “Gerry Muslim” daw ang may raket na color games at drop balls sa Bgy. Tagbakin, Lipa City. Batangas.
Kailan kaya ipato-”tokhang” ni Lipa City Chief Col. Ramon Balauag ang manraraket na si “Gerry Muslim”? Abangan!




