Kelot binoga ng 2 armado
- Pabs Hernandez III
- May 24, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang lalaki ang sugatan nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Cinense, Talugtug sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Randy Luis, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na nasa loob ng kanyang bahay si Luis nang pumasok ang mga suspek at agad binaril ang biktima.
Ginagamot ngayon sa ospital si Luis, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek.





Comments