Kalaban, idinemanda bago ang eleksiyon… AIKO, MALAKING TULONG KAYA WAGING VICE-GOV. ANG BF
- BULGAR

- May 24, 2019
- 1 min read

MARAMI ang nagtatanong kung itutuloy pa ba ni Aiko Melendez ang demanda niyang libel sa dating vice-governor ng Subic na si Angelica Magsaysay-Cheng na isinampa niya bago naganap ang midterm election.
Nanalo ang BF ni Aiko na si Jay Khonghun na nakalaban ni Cheng at siya ngayon ang uupong vice-gov. ng Subic.
Ibig kayang sabihin nito, magkakaayos na rin sina Aiko at Angelica?
Napaka-intense ng naganap na labanan ng mga pulitiko sa Subic, Zambales. Todo-effort si Aiko na tumulong sa kandidatura ng karelasyong si Jay Khonghun. At maganda naman ang naging resulta ng lahat.





Comments