FUTURE TAEKWONDO PLAYERS HINUHUBOG NG KASILAWAN


PIPILITING itaas pa ang antas ng husay at galing ng mga batang taekwondo players na pawang mga prominenteng gold, silver at bronze medalist sa iba’t ibang torneo abroad at local event upang maging pangunahing pambato ng bansa sa darating na 30th SEA Games sa Nobyembre.
Ayon kay coach Gani Domingo, nang dumalo sa 23rd TOPS Usapang Sports kahapon sa NPC, Intramuros, ang mga miyembro ng Kasilawan Taekwondo Club ng Makati na sina Kristiana Catalina Tiu, gold medalist sa Asian Taekwondo Federation at Carlos Palanca Jr. Taekwondo Championships; Justin Agno, gold medalist sa ATF at CPJ; Aldrich Vincent Paul Merin, gold medalist sa CPJ at sa Batang Pinoy; Charles Benjamin Gavan, gold medalist sa NCR meet; Victor Rodriguez, gold medalist sa NCR; Tatiana Batalla, gold medalist sa Smart New Face; Patrick Odrada, silver medalist sa CPJ; Rafael Ongkiko, silver medalist sa ATF at NCR meet; Marco Julio Tiu, silver medalist sa CPJ; Serena Batalla, silver medalist sa WNCAA; at Diana Supangan, silver medalist sa NCR; Lavaine Ashanty Valeroso, bronze medalist sa CPJ; Pearl Angeline Torrico, bronze medalist sa Batang Pinoy at NCR, Lex Provido, bronze medalist sa CPJ; at Kenji Uchida, bronze medalist sa CPJ ay pawang ineensayo na nang husto laban sa mga prominenteng taekwondo jins ng bansa.
Bukod sa dumaraan na sa masusing training ang mga ito ay nasa ilalim na rin ng scholarship ng Ateneo at La Salle ang mga bata upang maging handa sa pagpasok sa NCAA at UAAP tournaments. Bukas din ang kanilang grupo para tumanggap ng mga nagnanais na maging taekwondo player. (MC/ATD)





Comments