top of page
Pokwang.jpg

Feeling concerned sa bestfriend na madalas uminom ng alak

ROMA AMOR
May 24, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Noeme, 15 years old. May kaibigan akong mahilig uminom ng alak at madalas niya akong niyayaya. Ilang beses ko na rin siyang hinindian at tuwing nangyayari ito ay nag-aaway kaming dalawa. Para sa akin, siya ang bestfriend ko kaya ayoko siyang awayin o saktan, pero hindi niya nare-realize na walang naidudulot na maganda ang pag-inom ng alak. Ano ang dapat kong gawin? — Noeme

Noeme,

Mapalad ang iyong kaibigan sapagkat nariyan ka at nagtitiyagang magpaalala sa kanya na walang magandang maidudulot ang alak sa katawan. Tama ang iyong desisyon na huwag uminom kahit pa sa panahon ngayon ay tila normal na bagay na lang ang uminom ng alak sa mga kabataan.

Kung nagagalit siya, huwag mong sabayan ang init ng kanyang ulo at kapag kalmado na siya makaraan ang ilang araw ay subukan mo siyang kausapin tungkol sa nangyari. Ipaliwanag mo sa kanya ang punto mo at sabihin mo sa kanyang kalusugan din niya ang iyong iniisip.

Ang tunay na kaibigan ay sumasagot nang harapan para matuto ang kaibigan, gayundin, upang mapabuti ang kanilang sitwasyon. Kung ito ay hindi mauunawaan ng iyong kaibigan, marapat na igalang mo na lang ang kanyang desisyon. Palagi mong tatandaan na ang self-realization ay mas makabubuti at mas epektibo para magbago ang tao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page