Ang TV host lang daw ang tanggap ng 2 anak… SIGAW NI KRIS: WILLIE, HINIHINTAY KITANG MANLIGAW SA AKI

Beth Gelena / BULGARY FILES

SA Wowowin nu’ng May 22, sa segment ng Willie of Fortune ay on the spot na tinawagan ni Willie Revillame si Kris Aquino.
Ang contestant kasi ng WOF ay mga impersonators at isa rito ay si Kris ang ginagaya.
Ayon pa sa contestant, big fan siya ng Queen of All Media.
Ang ginawa ng Wowowin host ay impromptu, tinawagan si Kris na walang kaalam-alam na naka-live sila at naka-phone speaker ang pag-uusap nila ni Willie.
Lahat ng sinabi ni Kris ay dinig na dinig ng studio audience.
Tinanong ni Willie ang love life ng aktres-TV host. Narinig ni Kris ang tilian at tawanan ng studio audience.
Natatawang sagot ni Kris kay Kuya Willie, “Nakakaloka ka, Willie! You didn’t even warn me. Alam mo, I almost said hinihintay kita kaya hindi ako nagpapaligaw sa iba because ikaw lang ang tanggap ng dalawang anak ko.”
Dagdag pa ng mother nina Joshua at Bimb, “Sinabi nila na ‘Si Tito Willie will like you Mama not because of your money... because he is richer than us.’”
Sa sinabi ni Kris ay napahagalpak nang tawa ang Wowowin host at saka nagpasalamat at nagpaalam na kay Kristeta.





Comments