Tulong sa purdoy, tuloy — Digong | 4Ps, FOREVER
- Mylene Alfonso
- May 23, 2019
- 1 min read

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layuning gawing permanente ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Layunin ng 4Ps o Republic Act (RA) 11310 na magkaloob ng tulong-pinansiyal sa mga mahihirap na pamilya para sa kanilang kalusugan, nutrisyon at edukasyon.
Nabatid na Abril 17 nang lagdaan ito ng pangulo.
Batay sa ilalim ng batas, sa loob ng pitong taon ay maglalaan ang gobyerno ng conditional cash transfer para sa mga kuwalipikadong mahihirap.
Gayunman, maaaring irekomenda ng National Advisory Council ang mas mahabang panahon.
Kabilang sa kuwalipikado sa naturang programa ang mga magsasaka, mangingisda, mga pamilya na walang bahay at mula sa informal sector.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang inaatasang magrerebyu para sa qualified beneficiaries kada tatlong taon.





Comments