top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tren ng LRT, nagliyab

  • Mylene Alfonso
  • May 23, 2019
  • 1 min read

NAGKAROON ng tensiyon sa Blumentritt Station ng Light Railways Transit 1 matapos magliyab ang ilalim na bahagi ng tren, kamakalawa ng hapon sa Maynila.

Wala namang nasaktan sa naganap na insidente at hindi nakaapekto sa operasyon ng LRT 1 at agad ding nai-pullout ang tren.

Ayon sa pasahero na si Daniel Nobleza, naghihintay sila ng tren sa Blumentritt Station nang makaamoy sila ng tila nasusunog na wire sa dumarating na tren.

Paghinto umano ng tren ay agad nagliyab ang ilalim na bahagi nito kaya pinalayo ang mga pasahero.

Sinabi naman ni Rochelle Gamboa ng LRT 1, galing sa underbody o sa ilalim ng tren ang usok na napatay naman sa loob lang ng apat na minuto. May 28 tren ng LRT 1 ang bumiyahe kahapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page