Panalong gov. ng Sorsogon… CHIZ, MALAKI ANG PAKINABANG KAY HEART


MAY foreign movie na ginagawa, may paintings na pinagkakaabalahan, may charity works at ngayon ay may tungkulin siya bilang first lady ni Sorsogon Governor Chiz Escudero!
Mabibigyan pa ba ng panahon ni Heart Evangelista ang kanyang showbiz career? Hindi ba niya nami-miss ang pagkakaroon ng teleserye sa GMA Network?
Balita namin, isa si Heart sa mga tatayong judges sa pagbabalik ng reality/talent search show na StarStruck na malapit nang umere.
With regards sa pagiging first lady niya sa Sorsogon, makakatulong nang malaki si Heart kung tututok siya sa turismo ng lalawigan.
Maraming magagandang beaches/isla sa Sorsogon na tiyak dadayuhin ng mga foreigners kapag nai-promote nang husto.
Tulad ng Matnog Island na maihahalintulad ang ganda sa Boracay. Maputi at pino rin ang buhangin dito. Gaganda ang aspeto ng turismo sa Sorsogon kapag natutukan nang husto.
Isa pang atraksiyon sa Sorsogon ay ang mga butanding sa Donsol na dinarayo pa ng mga local and foreign tourists.
Malaki ang potensiyal ng lalawigan ng Sorsogon at sa tulong ni Heart, puwede niya itong i-promote.





Comments