P5.20 bawas-presyo sa LPG
Gina Pleñago
May 23, 2019
1 min read

NAKATAKDANG magbawas-presyo ang produktong Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa pagpasok ng Hunyo.
Inaasahang nasa P5.20 kada kilo ang ibabawas sa presyo ng nasabing produkto.
Samantala, ang nasabing pagbaba ng presyo ay dahil sa ibinagsak na presyo ng LPG sa world market.
Kasamang bababa ang presyo ay ang mga auto LPG.





Comments