Nagpapautang binaril, todas
- Levi Gonzales
- May 23, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang misis matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Rizal Ave., Bgy. 3, Batangas City.
Alas-5:20 ng hapon, kumakain sa Rhyponngi Tapsilugan ang biktimang si Teresita Ednaco, 39, nang pumasok ang suspek.
Binaril nang malapitan ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Agad naman itong dinala sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival habang tumakas ang suspek.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon kung may kaugnayan sa kanyang pagpapautang ang motibo sa krimen.





Comments