Most wanted sumurender
NUEVA ECIJA—Sumuko na sa pulisya, kamakalawa ang most wanted na pumatay sa kanyang biyenan at hipag sa San Jose City sa lalawigang ito.
Kinilala ang sumuko na si Edmyr Balimbin, suspek sa pananaksak at pagpatay sa biyenan nitong si Gina Garcia at hipag na si Jenny Grace noong Abril 17, 2019 sa kanilang bahay sa nasabing lungsod.
Bukod sa kasong double murder, kinasuhan din ng frustrated murder si Balimbin dahil sinaksak at tinangka rin nitong patayin ang isa pa niyang hipag na si Karen Rosete.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo si Balimbin at kanyang biyenan at dalawang hipag kaya nagawa nitong saksakin ang mga biktima at matapos magtago ay nakonsensiya ang suspek sa nagawa niyang krimen kaya kusa na itong sumuko sa mga awtoridad.





Comments