top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | Mayo 23, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 23, 2019 (Huwebes): Itataas ng iyong kapalaran ang ranggo mo sa buhay. Da­pat mong alalayan ang mga nasa ibaba dahil ang totoo, sila ang tutuntu­ngan ng iyong mga paa.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong sa­rili. Aangat at lalakas ka pa. Wala pa ring magagawa ang mga lihim at lantad mong mga ka­away kundi ang tumu­nga­nga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-9-10-14-20-25-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka ma­wawalan ng mga suwerte. Ang mawawala sa iyo ay ang mga kamalasan mo. Suwerte na ring masasabi ang ganu’n, pero may iba ka pang suwerteng dara­ting. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-13-16-24-30-41.

GEMINI (May 21- June 20) - Makikitang muli kang nag­dududa sa iyong kakayahan. Ang nakatu­tu­wang balita para sa iyo ay kahit pa kulang ang ti­wala mo sa iyong sarili, makukuha mo ang iyong gusto. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-7-10-17-21-25-34.

CANCER (June 21- July 22) - Bumibi­lis ang pag­gan­da mo at hindi lang sa katawan kundi maging sa iyong kapalaran. Ingatan mong matalo ka ng sobrang ka­ligayahan. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-29-30-45-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­pag lumagay ka sa gitna hin­di ka magka­kaproblema, pero kapag may pinanigan ka, gugulo ang buhay mo. Kaya mas magandang ikaw ay pu­ma­gitna. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-22-25-32-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka da­pat umasa sa iba. Hindi ka isinilang para maging pa­a­asa. Ang totoo, marami ang umaasa sa iyo, ku­m­baga, ikaw ang kani­lang inaasahan. Ito ang papel mo sa mundo. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-20-25-31-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Taglay mo ang kakaibang ka­gandahan. Ito ang sandata at instru­men­to na magagamit mo sa anumang layunin mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-24-26-35-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang para sa iyo. Ito ang gawin mong gabay sa iyong buhay. Bilang pagsunod mo, ang iba na hindi sana para sa iyo ay mapupunta rin sa iyo. Ito ay ang pasya ng langit. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-14-25-34-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling nagbalik ang mga araw kung kailan daragsa sa buhay mo ang magagandang ba­gay. Huwag mong kalilig­taang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-24-39-41-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matutum­ba ang bu­mang­ga sa iyo at ang lumagay sa iyong ha­rapan para hadlangan ka ay magiging sugatan. Ito ay dahil sa araw na ito ay pinagkalooban ka ng ka­kaibang kapangyarihan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-26-30-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan mo ngayon ang malala­pit mong kaibigan. Hindi dahil sa ikaw ay mahina kundi da­hil sila mismo ang pam­pa­suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-29-30-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makababahagi ka ngayon sa mga suwer­teng ihuhulog ng langit. Para mas marami at malalaki ang mapunta sa iyo, ipadama mo sa mga kapus-palad ang iyong pagmamahal. Masu­werteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-16-18-21-26-30-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page