Driver nilikida ng riding-in-tandem
SOUTH COTABATO—Isang tricycle driver ang napatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kidapawan City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Joel Pesquera, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, pauwi na si Pesquera lulan ng kanyang tricycle nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments