'Bikoy', whistleblower kuno, estapador pala, ngek!

CARDEMA, GAHAMAN SA KAPANGYARIHAN — Nanggagalaiti sa galit na sinabihan ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc si ex-National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema ng “traydor”, “ulupong” at “kapalmuks” dahil sa kagustuhan nitong agad-agad na maging kongresista ng Duterte Youth Partylist.
May punto ang mga kasapi ng Makabayan Bloc na mabuwisit kay Cardema kasi may pagkagahaman ito sa kapangyarihan. Hindi siya nag-resign sa NYC noong panahon ng campaign period, ginamit din daw nito ang gov’t resources para ikampanya ang Duterte Youth tapos nang umarangkada sa survey ang partylist, gusto na raw niyang siya na ang mag-substitute sa kanyang asawa na 1st nominee, pinag-backout daw niya ang apat pang nominado at kahit pa hindi na siya “youth” dahil 33 years old na siya, gusto niyang siya ang maging youth representative, pwe!
◘◘◘
SIBAKIN NA KAYA NI P-DUTERTE SI CALIDA?—Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na ang tanggapan daw ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida ay gumastos ng mahigit P7 million sa mga foreign travel at gumastos din daw ito ng mahigit P1.7 million sa magagarbong pa-meeting na idinaos sa mga 5-star hotel sa Metro Manila.
Galit daw si P-Duterte sa mga gov’t. official na biyahe nang biyahe at gastador kaya ang tanong, sibakin na kaya niya si Calida? Abangan!
◘◘◘
“BIKOY”, WHISTLEBLOWER KUNO, ESTAPADOR PALA—Ipinatawag ng Department of Justice (DOJ) si Peter Advincula alyas Bikoy hindi para kuning testigo laban sa mga taong malalapit kay P-Duterte na isinangkot niya sa isyu ng iligal na droga kundi para harapin ang kasong estafa na isinampa sa kanya ni Arven Valmores.
‘Yan ang malaking pagkakamaling nagawa ni “Bikoy”, ang lumantad at magpanggap na “whistleblower” kasi may nakakilala sa kanya na isa pala siyang estapador, boom!
◘◘◘
PARAK, NAHULI SA SABUNGAN, GAMBLING LORD SA TUGUEGARAO CITY, KAILAN NAMAN HUHULIHIN? —Hinuli ng mga kapwa niya pulis si Pat. Agustin Murello habang nagsasabong sa loob ng sabungan sa Camalaniugan, Cagayan.
Ayos ‘yan, kaya lang ang tanong, kailan naman kaya ipahuhuli ni Cagayan PNP Director Col. Ignacio Cumicad ang gambling lord na may raket na “dice” sa Tuguegarao City? Abangan!





Comments