Bigtime pusher timbog
Pabs Hernandez III
May 23, 2019
1 min read
CEBU CITY—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Basak Pardo, sa lungsod na ito.
Nakilala ang suspek na si Marylou Cabahug, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 19 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments