top of page
Pokwang.jpg

Babala sa mga nangungutang online

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2019
1 min read

SA hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ang pinipiling mangutang upang mairaos ang pangangailangan bawat araw.

Kasabay nito, nauso ang online loan apps na ibang-iba sa nakasanayang paraan ng paglo-loan.

Sa online loan apps, kayang aprubahan ang loan sa loob lamang ng ilang minuto kaya maraming naeengganyo rito.

Kaugnay nito, hinihikayat ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko na mag-ingat laban sa online apps na nagpapautang.

Ito ay dahil sa umano’y pamamahiya ng apps sa mga umuutang kapag pumalya ang mga ito sa pagbabayad.

Kamakailan, nakatanggap ng 458 reklamo ang ahensiya hinggil sa naturang apps na kumuha ng contact list at elec­­tro­nic files sa telepono ng indibidwal bago ito pauta­ngin.

Ayon sa ahensiya, tinatawagan o tine-text ng apps ang lahat ng nasa contact list ng umutang para sabihing hindi ito nakapagbayad.

Dahil dito, pinapayuhan ng ahensiya ang publiko na basahing mabuti ang terms and conditions bago gumamit ng ganitong uri ng apps.

Huwag tayong magpadala sa mabibilis na online transaction dahil hindi lamang magandang reputasyon ang puwedeng mawala kundi pati ang mahahalagang impormasyon natin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page