top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin mula kay Maestro... PAG-UUGALI NG ASO PAGDATING SA KANYANG MGA KAIBIGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 23, 2019
  • 2 min read

SINASABING, bukod sa pagiging makatarungan, ang Aso ay kilala rin sa pagiging matapat at mapagmahal, lalo na sa kanyang mga tunay na kaibigan. Ka­pag nagustuhan ka niya o naging bestfriend ka ng Aso, pa­lagi niyang u­una­hin ang kapakanan mo bago ang sa kanya. Ga­nu’n kamartir at kasa­kripisyong magmahal ang Aso sa tunay at mahal niyang kaibigan.

Madali ring tumalab sa Aso ang kasabihang “first impression last” kung saan kapag nagus­tuhan ka ng Aso sa una pa lang, ito ay magrerehistro na sa kanyang memorya at alaala, kaya kapag nainis sa iyo ang Aso sa una ninyong pagkikita, maaaring hindi na kayo magkasundo, kailanman.

Sinasabi ring ang Aso ay mapanuri kaya sa unang pagkikita pa lang ay tinatanong niya na kaagad ang kanyang sarili kung karapat-dapat bang maging kaibigan ang partikular na tao dahil para sa kanya, dalawa lang ang tao sa mundo, “kakampi at hindi kakampi” at tulad ng nasabi na, kapag naging kakampi ka ng Aso, ang lahat ng importansiya, pag-aaruga at pagmamahal ay talagang igaganti at ibabalik niya sa iyo.

Sinasabi ring sa sandaling nalebelan ka ng Aso na “hindi ka kakampi o kalaban ka” mahihirapan na siyang alisin sa isip niya ang “ibinigay niyang lebel” sa iyo o ka­hit na sa ibang sitwasyon.

Mahirap baguhin ang pani­niwala ng Aso, lalo na kung ang paniniwalang ito ay ibinase niya sa ma­lalim na pagninilay kung saan dahil akala ng Aso ay sad­yang matalino at mahusay siya, hindi sina­sadyang iniisip niya ang la­hat ng desisyon niya sa buhay ay tama at hindi na da­pat pang baguhin.

Dahil dito, madalas na pinani­nindigan ng Aso ang kan­yang pa­niniwala na kung minsan ito ang nag­bibigay sa kanya ng kabiguan at ka­lungkutan.

Dahil nahihirapan siyang ba­wiin ang “maling desisyon” kahit alam na alam niyang “mali o sablay” ang nauna niyang pagpapasya.

Sinasabing kung magiging bu­­kas sa pagbabago ng pasya ang Aso, marami pang malili­gaya at matagumpay na karanasan ang matitikman niya, hindi lang ngayong 2019 kundi, habambuhay.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page