Walang pang-birthday | 17 YRS. OLD NAGTULAK NG SHABU, HULI


ISANG menor-de-edad na tulak umano ng iligal na droga ang naaresto ng mga pulis nitong Lunes ng gabi sa Bgy. Payatas A, Quezon City.
Ayon sa ate ng 17-anyos na suspek, napilitang magbenta ng droga ang kanyang kapatid para may panggastos sa kanyang kaarawan sa Sabado.
Nakuha mula sa suspek ang anim na sachets ng hinihinalang shabu.
Napag-alaman naman na ang tatay ng suspek ay dati nang nahuli dahil din sa droga.
Tumanggi naman ang suspek na nagbebenta siya ng iligal na droga bagama’t aminado ito na gumagamit siya. (BRT)





Comments