Special election sa Jones, Isabela, mapayapa — PNP

NAIRAOS nang mapayapa ang special election sa Bgy. Dicamay Uno, Jones, Isabela.
Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Col. Bernard Banac na walang naitalang untoward incident sa naganap na halalan.
Matatandaang, kinailangang magtakda ng special election sa Bgy. Dicamay Uno matapos sunugin ng dalawang armadong lalaki ang vote counting machines (VCMs) na naglalaman ng halos 1,000 boto.
Ayon kay Col. Banac, batay sa mga natanggap na ulat ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde mula sa local officials, eksaktong alas-6:00 ng gabi ay isinara ang botohan.
Inihatid ng Jones Police Station sa munisipyo ang Board of Election Inspectors kasama ang VCMs at mga election paraphernalia.
Samantala, kasama sa mga na-canvass ng Commission on Elections (Comelec) ang mga boto mula sa Isabela hanggang Lunes ng gabi.





Comments