Schedule ng paglilibot ng PCUP para maghatid ng sari-saring serbisyo- publiko, alamin!
- BULGAR

- May 22, 2019
- 2 min read

MAINIT ang pagtanggap ng ating mga kababayan sa ginanap na serbisyo caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa Naval, Biliran kahapon. Humigit-kumulang, 2,000 katao ang nakinabang sa samu’t saring serbisyo na hatid ng nasabing programa.
Ang caravan ay isa sa mga priority program ng PCUP kasama ang Urban Poor Privilege Card at Adopt-a-Community. Layunin nitong dalhin ang pinagsama-samang serbisyo ng pamahalaan sa mga urban poor area.
Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Gusto ko lang itanong kung makararating din ba ang PCUP Caravan sa amin dito sa Antipolo? Gusto rin naming makilahok sa programang ito ng inyong ahensiya. Marami sa mga tagarito ang mahirap lang at kailangan ng ayuda. Maraming salamat at more power! — Antonio
Sagot
Maraming salamat sa inyong interes sa ating programa. Ang PCUP ay magsasagawa pa ng 32 serbisyo caravan sa buong bansa. Linggu-linggo, umiikot ang ating caravan sa iba’t ibang lugar upang magdala ng mga social service mula sa ating mga corporate at government partner.
Sa ngayon ay hindi pa final ang ating schedule ngayong Hulyo hanggang Disyembre. Ikinalulungkot namin na wala ang Antipolo sa listahan ng ating gaganaping caravan ngayong Mayo at Hunyo ngunit, kung tayo ay malapit sa nasabing lugar, maaari tayong magpunta sa location ng ating caravan para makabenepisyo sa ating programa.
Para sa inyong kaalaman, ang ating caravan ay “open to public” o para sa lahat ng gustong dumalo. Wala tayong pinipiling sektor o relihiyon, hindi rin ito para sa iilan lamang kundi para sa lahat. Ang importante ay matamasa natin ang tunay na kalinga ng pamahalaan.
Ngayong Biyernes (May 24), mayroon tayong caravan sa Legazpi City. Ngayong May 29, nasa sa Bgy. 201, Pasay City tayo at ngayong May 31 sa Bgy. Poblacion Monkayo, Compostela Valley. Kung gusto natin, maaari tayong pumunta sa Bgy. 201, Pasay City para maka-avail ng serbisyo mula sa caravan.
Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.
Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.
Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.





Comments