top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pulis, 1 pa arestado sa panggugulpi

  • V. Reyes
  • May 22, 2019
  • 1 min read

KALABOSO ang isang pulis, gayundin ang kanyang kasamahan matapos uma­nong gulpihin ang dalawa katao na kanilang nakaalitan sa Quezon City.

Kinilala ni Police Brig. Gen. Joselito Esquivel, Jr., ang mga suspek na sina Police Corporal Omar Lo­pez, 31, nakadestino sa Nor­thern Police District at Ajan Tigas, 19.

Batay sa imbestigasyon, lulan ng motorsiklo ang da­lawang hindi na pinanga­la­nang mga biktima bandang alas-3:00 ng madaling-araw nang madaanan nila ang ki­naroroonan ng mga suspek sa Bgy. Bagbag, Novaliches.

Pinagsalitaan umano ng mga biktima ng hindi ma­ganda ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga ito at ginulpi.

Nakapagsumbong ang mga biktima sa pulisya kaya binalikan ang mga suspek at dinampot.

Ipinagharap na ng kasong physical injuries ang mga sus­pek sa Quezon City Pro­se­cutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page